Jake Tan loved Krizia De La Vega once in his life. Mas mahal niya ito kesa sa sarili niyang pamilya. Pero nasaktan lang siya dito ng sobra sobra. Kaya ipinangako niya sa sarili niya na hindi na siya babalik pa sa Pilipinas at dahil sa pangyayaring iyon, hindi na niya ninais pang magseryoso ng babae.
Pero hindi niya mapipigilan ang tadhana. Kailangan niyang bumalik sa Pilipinas.
What if Jake saw Krizia again? May magbabago ba ulit sa buhay niya? Matatanggap niya ba ulit ito at handang buksan muli ang puso niya?
Mahirap kalimutan ang Nakaraan lalo na kung mismong tadhana ang gumagawa ng paraan para muli itong mabalikan.
Masakit kay Kris na makaharap muli ang taong minahal niya ng sobra nuon at alam niyang nasaktan niya ng sobra sa mga maling desisyon na nagawa niya noon.
Ngunit kakayanin niyang harapin ito sa ngayon para mabigyan ng closure ang lahat lalo na nang malaman niyang hanggang ngayon may galit pa rin sa kanya ang lalaki.
Kailangan nilang isarado ang nakaraan para maging handa na sa kasalukuyan...magtagumpay kaya sila pareho or manunumbalik ang pagmamahal na dati pa may kanila nang nararamdaman...