Gusto ko nang kalimutan lahat, lahat ng sakit,hirap at kalungkutan na nararamdaman ko. Minsan nga, tinatanong ko ang sarili ko eh, "Tama pa ba na hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako? Tama pa ba na sya halos makalimutan na ako, pero ako patuloy pa din bumabalik sa nakaraan na hindi ko makalimutan? At, tama pa ba na hanggang ngayon, heto pa din ako, hinihintay ang pagbabalik nya?"
Ang hirap ma-stuck sa situation na hindi mo naman alam ang gagawin mo, kasi ang totoo hindi mo naman talaga alam kung ano ang dapat mong gawin.
Nananatili pa din sa sitwasyong baka bumalik pa sya pero sumasagi pa din sa isip na mag-move on na dahil lahat ng meron kayo ay tapos na.
Ang hirap.
"I wish that i could wake up with amnesia"
Nasaktan ka na ba ng paulit ulit? , Umiyak ka na ba ng sobra dahil lang sa taong mahal mo? ,Tandaan mo di ka naman mali. Iiyak mo lang yan hanggang sa maubos ang luha na pumapatak sa iyong mga mata.
Siguraduhin mo na hindi ka na iiyak dahil sa dahilang iyon , Nasaktan ka? Oo,natural yan. Lahat ng tao nasasaktan. Yung tumama lang sa paanan ng cabinet ung darili mo sa paa masakit na diba? Sa pag nagmahal pa kaya? Kaya wag mo sisihin ang sarili mo kung bakit ka nasasaktan sadyang nagmahal ka lang talaga at pagnagmahal handa ring masaktan.
Naisip mo na rin siguro na sa sobrang sakit na nadarama mo ay sana isang araw, Gigising ka nalang ng limot mo na lahat ng sakit.
Ganyan din si Joy Kim. She was a certified Hopeless Romantic. Expectations kills her happiness. Pero ganito ang buhay eh.
"Sana makalimot nalang ako sa nakaraan."
Ngunit sa hindi inaasahan hindi lang masasakit na alala ang nalimutan nya bagkus kasama ang masasayang pangyayari sa buhay nya.
Maalala pa pa kaya nya ang taong kinalimutan na ng kanyang isip ngunit hanggang sa dulo ay isinisigaw parin ito ng kanyang puso.
I hope you'll enjoy this Story!