Bata palang ay alam na niyang may calling na siya.Alam niyang naghihintay lamang siya ng tamang panahon upang maikasal sa poong may kapal.Ramdam niya ring wala na siyang ibang mamahalin kundi ang Diyos.Mula sa pagkabata ay lumaki siyang mababa ang loob at mabait na bata.Mabuti na nga lang at may kaparehas siyang ganoon din ang pangarap.Ang naging matalik niyang kaibigan,si Zach Cordova.Alam nitong lahat ang mga nais niya at ganoon din siya rito.Sabay silang nangarap ng iisang mithiin.Ang maglingkod sa Diyos... BARACHIEL CORDOVA Ang panganay na anak ng mag asawang Luisa at Matt.Maraming nagtataka kung bakit lumaki siyang sutil at maigsi ang pasensiya gayong nasa masaya at mapagmahal na magulang at kapatid naman siya .Ayaw niyang nalalamangan siya.Kung ano ang nais ay siya niyang nakakamit.Isa siyang black sheep na kabaligtaran naman ng kapatid.Inshort, HINDI SIYA MABAIT...