Lahat nalang kamalasan sa buhay, ay naranasan na yata ni Denzel o mas kilala sa tawag na Den-Den. Sanggol palang ito ay nasa bahay ampunan na siya. Doon na siya lumaki at nagkaisip. Isa lang ang kanyang pinapangarap sa buhay. Ang magkaroon ng isang buong pamilya. Ngunit inabot na siya sa edad na 10 taon, ay naroon parin siya hanggang ngayon. Isang araw may dumating na bagong ulilang bata sa ampunan. Tatlong taon ang tanda nito sakanya, na nagngangalang Rojan o kilala sa palayaw na Jan. Hindi ito nagsasalita, tahimik lang ito palagi sa tabi. Makalipas ng ilang araw kinausap niya ito, hanggang sa kinukulit na nang paulit-ulit. Pero ni HA o HO, ay wala siyang makuha rito. Sa hindi inaasahan pangyayari, na pagkatuwaan si Den-Den na itulak siya sa pool ng mga kapwa niya ulila. Sapat lang ang lalim noon sakanila, ngunit hindi siya marunong lumangoy kaya naman nalulunod na ito. Walang sino 'man ang nagtangkang sumagip sakanya, maging ang mga bata ay natakot sa nangyari at nag si pagtakbuhan paalis. Bago pa siya malunod ng tuluyan, ay may isang tao na ang sumagip sakanya... Si Jan! Matapos nu'n doon na nagsimula ang kanilang maganda at masayang samahan. Naging malapit na sila sa isa't-isa na halos hindi na nga mapaghiwalay, kulang nalang ay pati sa pagtulog ay magkatabi na rin sila. Pero bahay ampunan nga iyon. May darating na bago at may aalis din. Hindi habang buhay ay mananatili sila roon. Isang mag-asawa ang gustong umampon 'kay, Jan. Pilit na tumatanggi si Jan na ayaw niyang sumama o kaya naman ay parehas nalang sila ni Den-Den na ampunin. Ayaw niyang iwanan ang babae. Labag 'man sa kalooban ni Den-Den ay siya na mismo ang pumilit at tumaboy kay, Jan. Maswerte siya na may umampon agad sakanya, samantalang siya ay sampong taon ng naghihintay. Ipinangako ni Jan sa sarili niya na babalikan niya si Den-Den o hahanapin niya ito, kahit saan. Iyong hindi na muli silang paghihiwalayin pa. Muli ba silang pagtatagpuin ng tadhana? Kahit na ilang taon na ang nakakalipas?