" Ano ba ang meron sa love na yan? Ba't lahat sila umiiyak? Simple lang kasi papa-ibigin ka sa una, pero papaiyakin ka sa huli. Ma effort lang sa simula tapos wala na sa huli. Papayungan ka sa una tapos papaulanan ka na lang sa huli. Ganon ang love, walang permanent lahat temporary. Kasi nga tinta nga ng ballpen nauubos, pagmamahal mo pa kaya? " Linya parati ni miss bitter. pero pano kung matutunan niya muling magmahal? Iibig pa ba siya? Meet Sabrina Kristel A. Cruz, isang tinaguriang pinaka bitter sa kanilang school. Maganda, mayaman, matalino, maputi, simple, badminton player, every boy's dream girl, but yet BITTER. Di siya marunong magmahal at ngumiti. Ni isa ay wala pang nagpapatibok ng kanyang pusong bato, ni heartthrob ng school nila, di siya tinatablan. Pati bestfriend di siya kayang pangitiin. Pero pano kung bumalik ang dating Sabrina? Yung Sabrinang palangiti? Sabrinang marunong magmahal? Sabrinang sweet? At higit sa lahat ang Sabrinang mapagbiro? Meet Trystan H. Gonzaga, isang gwapong transferee sa school nila. Mapagbiro ito, mahilig rin ito sa soccer, matalino rin, at mayaman na nainlove kay Sabrina. He will make Sabrina's heart fall inlove again. --------------------