Noong bata ako, sabi ng Mommy ko paglaki ko daw makikilala ko ang Prince Charming ko. Katulad nila Cinderella, Belle, Beauty, Snow white and Rapunzel. Like them, I'm a Princess too. Thier Little Princess.
Pero hindi ko akalain na mas maaga pala niya kaming pagtatagpuin.
Nakilala ko siya when I was 9 years old. Ang aga ko lumandi ano? Ipinagtanggol niya ako sa isang salbaheng bata na umaapi sa akin. From then, naisip ko siya na siguro iyong sinasabi ni Mommy na magiging Prince Charming ko.
Akala ko, iyon na ang magiging simula. Iyon pala ending na agad. Hindi ko na siya ulit nakita pa.
Pero sadyang mapaglaro pala talaga ang tadhana. Pinagtagpo niya ulit kami. Sa ilang taon na lumipas, madami na ang nagbago. Like him. He's not the Prince Charming I used to know.
He became a badass, rebelious and troublemaker. Hindi ko tuloy sigurado kung iyong lalaking nakilala ko noon, ay siya ring lalaking nakilala ko ngayon. He changed a lot. But I know somehow, nandoon pa rin iyong batang tumulong sa akin noon. Ang Prince Charming ko.
I know, darating din ang araw na tutuparin niya ang pangako niya sa akin.
And when the time comes.. He'll come back and be with me, right where he belongs..