Story cover for She Who is Without a Sin by elterceiro
She Who is Without a Sin
  • WpView
    Reads 4,066
  • WpVote
    Votes 141
  • WpPart
    Parts 31
  • WpView
    Reads 4,066
  • WpVote
    Votes 141
  • WpPart
    Parts 31
Complete, First published Nov 21, 2016
Mature
Halos isang buwang hindi pumasok si Ataska Velasco nang ibinalita ng kanyang mga kaklase na nagpakamatay ang bestfriend niyang si Lily Villafuerte. Hindi niya lubos matanggap na wala na ito. Sa katunayan, kahit na sa mismong burol nito ay hindi siya dumalo. 

Kasabay ng pagkamatay ng bestfriend niya ang hindi maipaliwag na mga pangyayaring nararanasan niya. Ilang ulit siyang binangungot at nakakakita ng babaeng duguan ang mukha na hindi niya makilala kung sino. 

Sa araw na napagdesisyunan niyang pumasok at ipagpatuloy ang kanyang buhay, laking gulat niya nang salubungin siya ng mabibigat na paratang ni Luvi Villafuerte-kambal ni Lily-na isa raw siya sa mga naging dahilan ng pagkamatay nito.

Hindi niya 'yon matanggap dahil ang alam niya, wala siyang kasalanang ginawa. 

Ngunit paano kung isa-isang mamatay ang mga kakilala niyang konektado kay Lily? Paano kung unti-unting magparamdam ang nakaraan na dalawang taon nilang itinago? 


ALL RIGHTS RESERVED. 
She Who is Without a Sin © August 2021 by elterceiro
Original concept  of  She Who is Without a Sin © October 2016 by elterceiro
All Rights Reserved
Sign up to add She Who is Without a Sin to your library and receive updates
or
Content Guidelines
You may also like
He's The BadBoy Of Heinous University by VHEELOVD
38 parts Complete Mature
Heinous University. Isang paaralan na ginawa para sa mga estudyanteng nakagawa ng samut-saing krimen. Mga estudyanteng patapon ang mga buhay at basura ng lipunan. Sili ang mga taong dapat nang mawala sa mundo at mga tao na hindi pwedeng mamuhay kasama ng mga ordinaryong nilalang sa mundo. Ang paaralan na ito ay hindi saklaw ng kapangyarihan ng gobyerno kaya nakakalaya silang gawin ang mga bagay na gusto nilang ipagawa sa mga estudyante. Kung tutuusin ay aprobado ito ng gobyerno. Yun naman kasi ang gusto nila, ang hayaan ang lahat ng mga kriminal na magpatayan sa iisang lugar upang tuluyan na silang mawala sa lipunan. Ngunit may isang malagim na sekretong tinatago ang paaralan na likom sa lahat. Sekretong hindi pwedeng mabunyag at tanging ang mga taong nasa loob lamang ng paaralan ang nakakaalam. Zhafire Katherine Delos Reyes. Isang dalagang naghahanap ng hustisya sa pagkamatay ng kanyang mga magulang. Pumasok sya sa loob ng paaralan dahil sa isang misyon at iyon ay ang masagot ang lahat ng mga katanungan na gumugulo sa loob ng kanyang isipan tungkol sa kanyang pagkatao. Ngunit makakaya nya kayang harapin ang lahat kung sa pag-apak nya palang sa loob ng paaralan ay hinahabol na agad sya ni kamatayan? Dumagdag pa ang mga laro ng patayan na nangyayari sa loob ng paaralan. Patayan na hindi nya inakalang magpapabago sa kanyang pananaw at buong pagkatao. Patayan na syang unti-unting maglalantad ng kanyang tunay na abilidad at nakatagong kakayahan. Wala syang dapat na mapagkakatiwalaan. Lalo pa't lahat ng mga kalaban ay nakamaskara. Pero ibibigay nya kaya ang tiwala sa isa sa kanila? Taong gawa sa isang experimento na kagaya din ng mga kalaban nya? _____ Highest ranking achieved: #1- trailer
You may also like
Slide 1 of 8
Who's Le Tueur? (Completed) cover
Special Section (Published under Pop Fiction) cover
Diavolo Academy (Completed) cover
Lifeless cover
He's The BadBoy Of Heinous University cover
IKASAMPUNG PALAPAG cover
PROFESSION SERIES 4: Paint Your Eyes with Lies cover
Are You Sure You Have True Friends? cover

Who's Le Tueur? (Completed)

42 parts Complete Mature

[R-18] "You can run but you can never hide." Isang insidente ang naganap dalawang taon na ang nakalilipas na hindi nakalilimutan ng lahat sa loob ng eskuwelahan. "Binaboy niya ang katawan ko," nanginginig sa takot na sabi ng isang babae na nag ngangalang Kyla Dela Vega. Halata mo sa kaniyang mukha ang paghihirap na kaniyang kinaharap sa nakatatakot na pangyayari. Ang alam nila ay namatay na ang gumahasa sa dalaga at maayos na ang lahat, ngunit ilang trahedya na ang naganap. Ang daming buhay na ang nawala. Hindi pa rin mahanap ang may kagagawan ng lahat. Konektado nga ba ito sa nangyari noon? Kinailangan mag-imbestiga upang malaman ang katotohanan. Nasa tama nga bang direksyon ang nakukuha nilang impormasyon? "Hustisya nga ba ang kailangan ng pumapatay?" "Inosente nga ba ang pinagbintangan ng karamihan?" "Who's Le Tueur? I am." --------- Started: April 6, 2020 Completed: June 12, 2020