Memorya. Alaala. Gunita? meron pa bang ibang choices of words? Tanging ang memorya natin ang makapag papaliwanag sa kung sino tayo at sa mga dahilan kung bakit ganito ka o ako kung kumilos. Sa memorya natin nakatago lahat. Mga pangyayari, mga araw, mga tao, at mga emosyong nakakabit dito, pwede ba sa puso muna yung last part? Lahat tayo ay may kaniya kaniyang alaala. Ngiti at luha ang dala nito sa buhay natin. Ito rin ang patunay sa sarili na nabuhay tayo sa mundong ito kasama ng mga minamahal natin sa buhay pati mga taong minahal natin at nagbigay ng galit at lungkot. Kung nawalan ako ng memorya anong mas pipiliin ko? mabura itong lahat o itatago ko ang masasayang alaala at hayaang mabura ang hindi? Magagawa ko bang ipaghiwalay ang mga alaalang nagpasaya at nagpaiyak sa akin? Kasama na ang mga taong sanhi nito? Ito na nga ba ang pagkakataon para ibahin ang buhay ko? O hahanapin ko ang nakaraan kahit na mas sasaya akong wala na ito sa buhay ko?