Ang mundong ginagalawan ay hindi lamang tinatahan ng normal na tulad mo. Sa ibang bahagi ay hindi man pansin ay may itinatago. ♢♢♢ Paano kung ang kaniyang pangarap ay siya din palang kaniyang bangungot. Ang akalang hulog ng langit ay halimaw na nagkukubli sa mala anghel na kagandan nito. Matatanggap ba ng puso? O tuluyang lalayo? ♢♢♢ "Pinilit ko layuan ka pero sa loob ng mahabang panahon ng aking pag-iral ay iyon na yata ang pinakamhirap na aking ginawa." Tuwirang hayag nito. "Hirap na hirap ako Ara, hindi ko matiis na di ka matanaw manlang kahit mula sa dilim. Alam ko bawal alam ko mapanganib kabaliwan pero-" Nanikip ang dibdib ko ng makita ang pamamasa ng mga mata nito, ramdam ko ang bigat ng damdamin sa bawat salitang binibitawan nito. "-pero hindi ko mapigilan mapalapit sayo, lalo na ng gabing muntik ka ng mapahamak. A-Ara patawarin mo ko mapatawad mo sana ako." Ramdam ko ang panginginig ng katawan nito, sa pagsulyap ko sa mga kamay nito ay mabilis ang naging mga pangyayari. Naramdaman ko ang pagbaon ng matulis na bagay sa aking balikat kasunod noon ang pagragasa ng hapdi at matinding init sa bawat himaymay ng aking katawan. "A-anong ginagawa mo?!!" Ng muli itong tumingin sa akin ay bakas ang bahid ng luha ang madilim nitong mga mata. Nakaawang ang duguang bibig habang nakaguhit ang nakakahibang na ngisi sa labi. "Sorry this is the only way I know."