Naddie Abigail Villegas. Nag iisang anak ng nagmamayari ng pinaka sikat na mall sa bansa. May mapagmahal na pamilya, mapagmahal na kaibigan at mapagmahal na kasintahan. Ang lahat ay perpekto na para sa kanya. Halos kainggitan na sya ng mga taong nasa paligid nya. Ngunit nagbago ang lahat dahil lamang sa isang sikreto na nabunyag at hanggang sa nasundan na ito ng napaka rami pang sikreto. Hindi nya alam na halos namumuhay na pala sya sa isang mundo na puro kasinungalingan. Nawala ang lahat ng pinapahalagaan nya at nasira ang tiwala sa mga taong mahal nya. Halos gumuho ng tuluyan ang kanyang mundo dahil sa sunod sunod na pag bunyag ng mga ito. Ngunit may isang tao na dumating na hindi nya inaasahan. Isang taong handang tumulong sa kanya ngunit isang parte rin pala ng kasinungalingan. Makakayanan pa kayang isalba ni Naddie ang kanyang pamilya, kaibigan at taong mahal kung sya na mismo ang gustong bumitaw? Haharapin nya na kaya ang bawat pagsubok kasama ang taong ito or tatalikuran nalang ang lahat?
12 parts