Naranasan niyo na bang mangalkal sa basurahan? Kung oo, magaling makakarelate kayo. Pero kung hindi pa, pwes itry niyo din minsan. Marami kayong matutuklasan doon. Sabi nila magkakaroon ka daw ng ideya sa personalidad o kaugalian ng isang tao sa pamamagitan ng kaniyang basurahan. Doon marami kang matutuklasan, mula sa supot ng pinagkainan niyang kendi hanggang sa mga bagay na hindi na ginagamit at sadyang patapon na talaga. Pero lahat ng bagay na nasa basurahan ay may kalakip na mga kwento. Kung nakakapagsalita lang sana ang basura.......All Rights Reserved