Dalawang kaharian ang binuo ng mga bampira dahil sa kanilang pagkaka-iba sa isa't isa. Isa sa Hilaga, Isa sa Timog. Ang mga nasa Hilaga ay ang mga bampirang may angking lakas at bilis samantalang ang mga nasa Timog naman ay walang ganitong kakayahan ngunit may angking kapangyarihan tulad ng pagkontrol ng apoy, ng tubig, ng hangin at ng lupa. Naging malapit sa isa't isa ang dalawang kampo sapagkat ay malakas ang pwersang kanilang nabubuo kapag sila'y nagsama. Hanggang sa naging malago ang pagsasama ng dalawa ngunit di nila naiwasan na magkaroon ng alitan. Nasira ang pagsasamahan. Ang dating solidong bakal ay nahati. Dahil doon ay nahirapan ang kani-kanilang mamamayan na makibagay at masanay na di kasama ang kabilang kampo. Patuloy ang hidwaan kahit di alam ng mamamayan ang tunay na dahilan. Hanggang sa may dumating na bunga, na siyang maaaring maka-ayos ng nasirang pagsasamahan. Paano? Paano NILA maaayos ang nasirang pagsasamahan? Sino? Sino ba ang makaka-ayos? Kailan? Kailan ang tamang panahon para maayos ang lahat? AT MAAAYOS BA NILA ANG NASIRANG SAMAHAN?Todos os Direitos Reservados
1 capítulo