Napatingin ako sa mga babaeng nasa unahan namin. Pasimple nilang nililingon yung katabi kong seryosong nakikinig.
"Grabe ang gwapo nya talaga." bulong nung isa habang kinikilig.
tsk mas gwapo kaya ako.
Napasimangot ako habang nakatingin kay Shed. Ngayon ko pa lang siya natitigan nang mabuti at malapitan kadalasan kasi sulyap lang ang nagagawa ko sa kanya.
Maputi at makinis ang kabuuan nang mukha nya.Meron syang mapupungay at misteryosong mga mata. Meron din syang maliit pero matangos na ilong. Nanlaki ang mga mata ko nang humulma ang ngisi sa maliit at pinkish na labi nya.
"Enjoying the view huh!" mahinang panunukso ni Shed sakin deretso pa rin ang tingin nya kay Ms. Vena yung gurong nag didiscus sa harap.
Nag-iwas ako ng tingin at ito na naman yung kakaibang tibok ng puso ko. Sobrang bilis at sobrang lakas.
Wala sa sarili akong napahawak sa dibdib ko. Nagtayuan lahat ng balahibo ko sa katawan ng tumama ang kanang siko ko sa braso nya.
Nanlaki ang mga mata ko habang patuloy na tinatanong ang sarili.
Ano 'tong nararamdaman ko?
Naiinlove ba ko?
at.. At sa kanya??
Am I .. Do I, a good looking guy, really Fall inlove with HIM?
-----------
Overview!!!
He's a SHE. (SHED)
To know more, Start to read more<3