Simula nang maranasan ko kung paano maloko ng nag-iisang taong importante sa'kin, pinili kong ilayo ang sarili sa ibang tao. Naglagay ako ng sapat na distansya para hindi kainisan o sobrang magustuhan nino man. Dahil do'n nagawa kong kahit paano makisama sa iba... bukod sa isa. Tila malayo ang loob sa kahit kanino, hinyaan ko na lang sya tutal yun ang gusto nya. Akala ko hanggang sa mag-resign ako, magiging gano'n sya pero isang gabi, nakita syang nasampal ng isang babae. At do'n nagsimula ang panggugulo nya sa buhay ko. Huli na nang ma-realize ko na napasok na nya ang 'pader' na ihinarang sa pagitan ko at ng mga tao sa piligid. Ano bang nakita nya sa'kin at ayaw akong tantanan? Bakit kahit gustong magalit ng sobra sa kanya, pinapatawad pa rin sya? Paano ko kaya makikita ang gusto nyang ipakita?
More details