Wala talagang interes sa Korean Pop si Ayumi. Kung ano ang ikinabaliw ng kanyang best friend na si Lynne ay s'ya namang disgusto n'ya sa K-Pop. Ewan ba n'ya kung bakit hindi n'ya kayang ma-attract sa mga gwapo at talented na tulad nila. Bakit pa s'ya kailangang ma-attract sa mga lalaking magkakapareho ang mukha eh hindi naman alam ng mga ito ang existence n'ya? Sayang lang sa oras, internet, pera pambili ng mga merchandise at albums ang mga 'yun. She will never be a K-Pop fangirl. But her world will turn upside-down because of a phone call and... viola! Mai-involve s'ya sa pitong K-Pop stars mula sa magkakaibang grupo at magsisimula nang kumulay -- este gumulo ang buhay n'ya nang pasukin n'ya ang mundo ng K-Pop! Bibigay kaya s'ya sa charms ng mga K-Pop stars na 'yon? Maiinlove kaya s'ya sa himig na dala ng mga ito?