PUBLISHED UNDER DOUBLE R PUBLICATIONS
Isang lumang invitation ang natagpuan ni Mariel, at iba pa niyang mga kaklase, sa loob ng frame ng portrait na ibinigay sa kanila ng isa sa mga kaklase nila. Pagkatapos ng limang taon, dahil sa imbitasyon na iyon, nagkaroon sila ng class reunion sa isang lumang mansion na nakatirik sa isang malayong isla.
At doon, ang masaya sanang pagtitipon, naging impyerno sa kanila na nababalutan ng dugo at hinagpis. Kaya naman, ang makasarili at spoiled brat na si Mariel, gagawin ang lahat upang malaman kung sino ang killer.
Subalit, habang isa-isang pinapatay ng brutal ang kaniyang mga kaklase, isang misteryo sa mansion ang kaniyang matutuklasan; at may mga bangungot din mula sa nakaraan ang magbabalik upang maging susi para makawala sila sa impyernong iyon...
---
NOTE: This Wattpad Version is an unedited version.
Dahil sa isang mananaliksik si Marissa, kailangan niyang humanap ng lugar na maaari niyang maging asignatura para sa kaniyang trabaho. Ang bayan ng Kalu ang lugar na kaniyang sasaliksikin upang alamin ang natatagong ganda nito. Ang nasabing bayan ay probinsya ng isa sa kaniyang mga kaibigan. Ni minsan ay hindi pa niya narinig ang lugar na iyon kaya iyon ang naging tulay upang puntahan niya ang bayan na iyon.
Sa pagpunta niya roon ay saka pa lang niya nalaman na maraming kaso ng pagkawala ng mga naninirahan sa bayan na iyon at iyon ang hindi nabanggit sa kaniya ng kaibigan. Ni isa ay walang nakakaalam sa likod ng sunod-sunod na pagkawala ng mga tao roon.
Lingid sa kaniyang kaalaman na sa kaniyang pagtuklas sa natatagong ganda ng lugar ay matutuklasan din niya ang dahilan sa likod ng pagkawala ng mga tao roon.
May misteryo sa likod ng 'Karen Deryahan'. Handa ka na bang alamin kung ano ito?
Book Cover Made By: stuck_n_silence