
(SOON TO BE PUBLISH AT BOOKWARE/ BALETE CHRONICLES) May dalawang panig ang bawat kwento-ang nakikita ni Evony, at ang ayaw ipakita sa kanya. Ngunit habang lumalalim ang mga araw, tila may isa pang panig na unti-unting nagigising-ang panig na hindi niya alam kung guni-guni lang, o bahagi na ng katotohanan. Sa pagitan ng mga bulong at katahimikan, may mga aninong sumusunod sa bawat galaw niya, mga tinging hindi niya makita ngunit ramdam sa balat. At sa bawat pagdilat niya, isang tanong ang unti-unting sumisiksik sa isip-kung siya pa ba ang nakikibahagi sa kwento, o may mapait na kapalit ang pinili niyang kwento.All Rights Reserved