Lahat tayo, dumadaan sa panahong nagkakagusto tayo sa isang tao. 'Yung tipong bawat kilos, salita at ngiti niya, may kahulugan para sa atin. 'Yung simpleng "Hi" niya lang, parang "I love you" na sa mga pandinig natin. 'Yung moment na ngitian ka lang niya, halos mamatay ka na sa kilig at daig mo pa ang inatake ng epilepsy. Pero ang crush daw ay paghanga sa isang taong hindi naman pwede maging atin. May limang dahilan kung bakit hindi sila pwedeng maging atin: (1) May mahal na siyang iba. (2) Pagmamay-ari na siya ng iba. For short, taken na siya. (3) Ayaw niya sa'yo. (4) Kalbigan lang ang turing niya sa'yo. For short, na-Friendzone ka at ang masaklap, (5) Hindi niya alam na nage-exist pala ang isang tulad mo. </3 Masakit mang isipin pero hanggang pangarap ko nga lang siguro si crush. Ako nga pala si Alexa, at eto ang storya ng masaklap na crush-life ko.