"Malunod man ako sa tubig, masunog man ako sa ilalim ng araw o tangayin man ng hangin. Lagi mong tatandaan Jill Amble na kailanman hindi mawawala ang pagmamahal ko para sa 'yo." Walang araw na hindi rumerehistro sa isipan ni Jill ang mga katagang binitawan ni Joao no'ng high school pa lamang sila. Kasabay nito ang pangarap na sinimulan nila kasama sila Niel,Russel,Tony at Ford na balang araw ay maging isang tanyag na banda sa bansa. Kaya kahit mahirap patuloy lang silang nakakapit sa isa't isa at sa iisang pangarap na kanilang binuo. Ngunit tila naglaho ang pangarap ni Jill dahil siya lang ang lumihis ng landas at walang may alam ng dahilan kung bakit. Ito ay nanatiling katanungan sa kaniyang mga kaibigan lalo na para kay Joao, ang nag-iisang lalakeng minahal niya simula noon at hanggang ngayon.