Hindi perfect pero smooth naman ang takbo ng buhay ni Maxine sa hospital na pinapasukan niya bilang intern. Then Dr. Lucas Yoon came. Laging nakasuot ito ng T-shirt at maong pants. Mahilig itong ngumuya ng chewing gum at makinig ng music sa iPod nito habang naggagamot ng pasyente nito. Maxine's friends found that very cool. Pero para sa kanya, nakakairita iyon. Tuwina ay kinokontra nito ang mga sinasabi niya. Pero pagkatapos niyon ay kinikindatan siya nito. Sinabi niya sa sariling hindi ang kagaya nito ang magpapatiklop sa kanya. Kaya hindi siya makapaniwalang matatagpuan niya ang sariling parang rebulto habang nakatayo sa isang hospital room at hinahayaang halikan siya nito.
25 parts