Isang gabing madilim ang buong kalangitan... NASA gitna ng karagatan si Brandon sakay ng Mi Amore...ang yateng kanyang pag aari...his priceless obsession. Sa tuwing may problema siyang kinakaharap ay ugali niya nang magpalipas ng ilang araw sa gitna ng laot. Doon ay nakakatagpo siya ng katahimikan... Ngunit paano kung sa kalaliman ng gabi ay mayroong isang magandang babae siyang matatagpuang natutulog sa loob mismo ng kanyang cabin? Hindi lang maganda kundi mistulang anghel itong bumaba sa lupa. Palaisipan sa kanya kung paano itong nakarating roon...At ang dagdag pang nakakagulo sa isip niya ay kung bakit nakasuot ito ng trahe de boda. Hindi ba dapat ay sa simbahan ito pupunta dahil damit pangkasal ang suot nito?All Rights Reserved
1 part