Payak ang pamumuhay na kinagisnan ni Alunsina sa maliit na bayan ng Tineo. Punong barangay ang kanyang ama kaya naman malaki ang ibinibigay na respeto sa kanila ng mga taga-roon. Bagama't hindi mayaman ang mga Capistrano, hindi ito naging hadlang upang hangaan ang kanilang pamilya dahil sa integridad ng kanyang ama sa trabaho at sa kilala nilang prinsipyo: ang kadalisayan ng puri at dangal. Kaya naman nang mangyari kay Alunsina ang isang masalimuot na karanasan ay walang awa siyang itinakwil ng pamilya at tahasang pinalayas. Tuluyan na nga lang bang aalis at mamumuhay malayo sa lupang tinubuan ang dalaga o pipilitin na buuin ang kanyang nasirang pagkatao? March 2017