"Ice ice water change your foot If your foot is dirty Please go home and change it" Saktong napatama yung hintuturo ni Clyde sa paa ko. Dalawang paa na lamang ang makikita dito. Ang akin, at yung kay JK. Ayan na, malalaman na namin kung sino ang taya. "Ice ice water change your foot If your foot is dirty Please go home and change it" Sakin pa rin napatama yung hintuturo ni Clyde, ibig sabihin... "Taya si JK!" Kumaripas agad ako ng takbo papalayo sakanya habang natawa. Sadyang mahahaba ang mga legs ni JK kaya mabilis niya akong nahabol. "Ice!" Tumigil ako sa pagtakbo. Binabantayan ako ni JK. Patuloy pa din akong tumatawa kahit hindi gumagalaw. "Hoy, JK no bantay reyna! Porket crush mo lang si Clarie eh." Sigaw ni Elisa. Tumawa naman si Clyde sa tabi niya. Nakita kong namula si JK at kumaripas ng takbo papunta sa bahay nila. May nahulog sa kanya. Bracelet? "JK!" Tawag ko sa kanya, di na siya lumingon. Hindi niya siguro ako narinig. At yun na ang huling beses na nakita ko siya.