Maraming magagandang kwento ang hindi nagkakaroon ng pagkakataong maisulat sa libro o kung saan man upang paghugutan ng aral. Sa panahong lahat ay posible, may iilan pa ring tao ang hindi bukas ang kaisipan sa mga bagay na taliwas sa kanilang nakasanayan. Ang buhay ay makulay, mabango at matingkad. Hindi uunlad ang ating pagkatao kung hindi natin tatanggapin ng buong puso ang mga bago sa ating kasalukuyang kapaligiran. Sa kabilang banda ay hindi naman ito sapilitan, sapagkat maaaring hindi ito papasa sa ating panlasa o kagustuhan, dahil ang utak naman natin ay sadyang magkaka-iba. Ngunit ang pag-respeto sa iba ang siyang magiging susi upang abot kamay nating masilip ang sa kabilang banda ng kwento. Hindi naman siguro masama na subukan nating bigyan ng puwang ang mga pagbabagong ito sa ating utak, kahit hindi na lang sa puso ay sapat na iyon para magkaroon ng pagkakaintindihan sa mundo.
Ito ay tungkol sa pinaka masarap na nararamdaman ng bawat tao, ang PAG-IBIG. Pagmamahal na ating nakukuha sa mga kaibigan, pagmamahal na ibinibigay ng ating mga magulang, at pagmamahal na handa mong ilaan para sa natatanging taong itinitibok ng iyong puso. Ngunit, sa bawat relasyon ay dumaraan din naman sa pagkakataong hindi maganda o landas na malubak, at ito tiyak na susubok ngunit sadyang magpapatatag sa mga taong nagmamahalan. Sa kabila ng wagas na pag-iibigan ay nariyan ang mga sakripisyong hindi matatawaran, kaya hindi lang puso ang dapat mong ihanda, ngunit pati na rin ang iyong isipan.
Ang istoryang ito ay pinangungunahan ng dalawang lalaking karakter na sina Paolo at Grey, parehong teenagers na nakahanap ng tunay na pag-ibig sa bawat isa. Ilalahad dito kung paanong sila ay magkakagustuhan, sa kabila ng pagiging isang tuwid na lalaki ng isa sa kanila. Talaga nga bang maaaring mangyari na mabali ang iyong seksuwalidad sa ngalan ng pag-ibig? Paano ito mangyayari? Iyon ang dapat nating abangan sa puno ng aral at inspirasyong hango sa totoong buhay na kwentong "The Perfect One".
As Claire aims to leave her oppressive stepfamily behind, she befriends Zion. Will he be her ticket to freedom or a distraction in achieving her dreams?
*****
Claire Olsen has had a crush on Zion Petrakis since the first time she laid eyes on him, but he never noticed, instead only having eyes on the school's it girl, Maddie Jennings. Knowing she couldn't compete with Maddie, Claire hid her feelings for Zion, satisfied with admiring him from afar. However, when a series of events led Claire closer to Zion, her feelings for him grew from infatuation to love. And despite fighting hard to keep her feelings contained by distancing herself from Zion, he was determined to show her that he's earned a spot in her life.
[[word count: 100,000-150,000 words]]