SYNOPSIS
He Loves Me, He Loves Me Not
By: Albenia 💋
Meet Megan Dela Paz - a former princess, now officially a walking credit score disaster.
Dati, sosyalera. May pa-mansion, designer bags, at spa day every Sunday. But life said: "Let's humble her."
At ayun na nga. Nalulong sa sugal ang kanyang Papa Miguel. One bet, two bets, three-ubos ang yaman. Lahat ng gamit nila, from sofa to kutsara, ibinenta. Pati 'yung antique necklace na pamana pa ng yumaong mama niya?
BOOM. Isang iglap, nasa sanglaan.
At parang eksena sa teleserye, isang araw, bigla na lang:
"POOF!" Nawalang parang bula si Papa.
Ang naiwan?
Well, hindi mansion.
Hindi pera.
UTANG. Sandamakmak na utang.
At guess what?
Lahat ng maniningil, sa kanya dumidiretso.
Kasi sa ganda niyang ito... siya lang talaga ang hindi nagtatago.
Enter Theo Montanilla. Tall, dark, gwapo, mayaman - a walking Greek God.
Customer siya sa coffee shop na pinagtatrabahuan ni Megan.
Pero dahil sa kanyang Greek-god level looks, nataranta si ate girl.
At ayun...
Natapon niya ang mainit na kape sa mamahaling coat nito.
"Hindi mo ba alam na mas mahal pa sa sweldo mo ang coat ko?!" sigaw ni Mr. Gwapo-but-grumpy.
"Sorry po, Sir! Di ko sinasadya!"
"Nope. Sorry not accepted. Be my son's nanny, and we're good."
Sabay abot ng calling card.
"Be at my place tomorrow. 7AM. Don't be late."
Megan's brain:
→ Error 404
→ Napa-Juicecolored ako, besh.
→ Ano 'to, bagong form of labor exchange?
Hindi pa nga siya tapos sa utang ng papa niya, nadagdagan pa ng utang sa pride.
At ngayon? May bonus pa - isang anak na aalagaan at isang ama na masungit pero drop-dead gorgeous.
Anong laban ni Megan, isang hampas-lupa, sa Montanilla na parang galing sa fairytale pero mas maraming red flag kaysa stoplight?
A romantic-comedy na may halong utang, coffee, daddy issues, at delikadong feelings.
Welcome to Megan's life - kung saan ang pag-ibig ay parang utang din... minsan hindi mo alam kung kailan ka babayaran. 😂
Introducing Sid Yulo, ang parlorista na rakitera with big dreams. Pangarap niyang maging superhero in the future. Superhero---ng mga estudyante niya, of course! Isa kasi siyang Licensed Professional Teacher in transit nga lang. Biglang detour kasi siya sa Salon slash Parlor na maraming paandar ni Mamu Doro kung saan madalas siyang tambay este naghahanap-buhay!
Madalas man siyang napagkakamalang bakla di dahil lagi siyang laman ng parlor kundi dahil sa nagmamaldita niyang ayos na tinalbugan pa ang datingan ng mga ka-trabaho niyang beks. Wapakels naman ang lola niyo sa mga chararat na laitera dahil di naman daw intended sa kanilang mga mata ang kagandahang kanyang pinagkagastusan. It was only for Phil Ynares. And Phil alone. Na sa kasalukuyan ay cannot be reached pa ang drama.
But here comes the handsome na Kuyang Mangingisda, este taga-buhat lang pala ng banyera ng mga isda na siyang bagong tenant sa katabi ng bukbuking apartment niya. Natilamsikan na nga siya ng mga bitbit nitong balde-baldeng timba na puno ng isda, tinawag pa siyang bakla. Aba matindi!
Buti nalang on the way na sa bansa ang Phil, my labs niya. Ito ang makapagpapatunay na babae siyang talaga! Dahil sa wakas, magtatapat na siya ng pag-ibig niya na inamag na sa loob ng isang dekada. Ang intense lang ng paghihintay niya di ba?
Pero ano itong nabungaran ng madla at nang Phil, my labs niya? Isang banal na pigura ni Sr. Maria Isidra Yulo na naka-abito pa!
Ngayon...asan na yung chance niya na magtatapat ng pag-ibig sa binata? Hanggang drawing nalang ba? O in transit lang din tulad ng big dreams niya?