22 Partes Continúa Bagong school, bagong kaibigan, bagong karanasan. Iyan ang mindset ni Ray Sayson sa pagtungtong niya bilang first year science high school student. Bilang academic achiever sa kaniyang elementary school, dalawa lang ang gusto niya ngayong high school: magkamit ng achievements sa school, at magkaroon ng bagong mga kaibigan.
So far, so good pa naman para sa kaniya. Sa hindi inaasahan, class president pa siya ng kaniyang section. Pero, habang tumatagal, tila ba nasasakripisyo ng kaniyang tungkulin ang kaniyang social life--wala pa siyang new friends. Kapag sinusubukan niyang makipag-socialize, tungkulin naman niya ang nadyo-jeopardize.
Kung incompatible pala sa isa't isa ang dalawa niyang gusto, paano niya babalansehin ang dalawa? Makakamit pa ba kaya niya ang mga ito?