Maraming uri ng impakta sa office. May impaktang sosyal na nagkatawang 'plastik'. Feeling nila hindi sila mabubuko. Meron din namang impaktang hubad. Yung mga uri ng salot na lantaran kung magsabog ng kadiliman sa office. And lastly, ang impaktang Pinatubo. Hindi mo alam kung kailan sasabog. Pailalim silang umatake at madalas tahimik dahil bumubuo ng maitim na plano. Ako si Impakta Slayer, itago na lang sa pangalang "Gabby." Sundan natin ang kwento ko kung paano uubusin ang impakta sa opisina. -------- written out of frustration.