Isang herederang pinagkaitan ng yaman na dapat ay kanya, lilitaw mula sa pagtatago upang bawiin ang ang karapatan at pinaghirapan ng kanyang pamilya, bumalik upang ipaghigante ang sinapit ng kanyang mga magulang. Pero bago nya magawa ito, kakailanganin nya ang tulong ng isang taong mula sa pamilyang noon pa man ay katunggali na ng pamilya nya. Makaya kaya nya ang mga pagsubok na pagdadaanan nya? O mas magiging magulo lang ang lahat sa pagdating ng taong yun sa buhay nya.