Naging maganda ang bunga ng pagpapakasal nina Sheena at Gian kahit na isang arranged marriage lamang iyon. Unti-unti nilang naramdaman ang pag-ibig sa isa't-isa. Kaya naman sobrang natuwa si Sheena nang malaman na magkakaroon na sila ng anak ni Gian. Ngunit sa 'di inaasahang pangyayari, naaksidente si Gian kung kailan sasabihin na sana ni Sheena ang magandang balita. Nang magising naman si Gian mula sa ilang linggong pagkaka-comatose ay halos madurog ang kaniyang puso dahil ni isang alaala niya ay hindi nito matandaan. Nagkaroon daw ito ng selective amnesia. May puwang pa ba ang kaligayahan kung tuluyan na siyang hindi maalala ng kaniyang asawa?