Masyadong naging kabado si Vedrick na aminin ang kanyang nararamdaman kay Westley, kaya naman may naisip siyang paraan upang malaman pa rin ni Westlry ang kanyang pag-ibig sa dalaga. At ito ay ang pagsha-shout-out. Ngunit hindi alam ni Westley na ito ang kanyang matagal nang pinapangarap na lalaki. Sobrang inis siya dito, at may masakit na sinabi dito na kinasakit naman ng damdamin ni Vedrick. Patuloy niya pa nga ba iibigin ang dalaga o ititigil na niya ang pagnanasa dito?