Kasiyahan? Ang babaw ng salita pero ang hirap makuha. Yan ang tanging kinabaliwan ni Katie. Lungkot? Pag-asa? Takot? Yan ang laging nararamdaman niya kapag malapit na siyang magpahinga. Hindi yung mamamatay na, kundi ang magpahinga muna sa kakaisip kung susuko ba siya o hindi sa lalaking itinitibok ng kanyang puso. Yung tipong lahat gagawin niya para makuha ang minamahal niya. Magtatagumpay kaya siya? O maiiwan na naman siyang nasasaktan at palagi nalang 'third wheel' ng iba?