This is a story about second chances, nagmahal ka tapos sinaktan mo. Nung handa ka nang balikan sya may mahal na pala syang iba. Ang tanong mabibigyan ka pa kaya ng isa pang pagkakataon upang itama ang lahat ng pagkakamali mo? O hayaan mo nalang syang maging masaya sa piling ng iba.
Ako nga pala si Bryan Tolentino, 19 years old, geodethic engineering student, panganay sa limang magkakapatid, masipag, at syempre gwapo haha. Year 2012, ng makilala ko si Loraine, actually ng dahil sa text kami nagkakilala at ng dahil narin sa pinsan ko na nagbigay ng number nya sa'kin.
Sa loob ng limang buwan naming pagsasama bilang magkasintahan slash best friends ay naging masaya kaming dalawa lalong'lalo na ako, ngunit ng dahil sa isang pagkakamali nawala ang pinakamamahal kong babae.