Hanggang saan ang kaya mong ipaglaban para sa minamahal mo? Kaya mo bang banggain kahit pa ang pinakamatalik mong kaibigan para lang sa taong mahal mo?
At ikaw naman, hanggang saan naman ang limitasyon mo bilang kaibigan? Papayag ka ba na hanggang kaibigan lang ang tingin niya sa'yo o lalaban ka at pipiliting iparamdam sa kaniya na higit pa sa kaibigan ang kaya mong ibigay sa kaniya.
Kung ikaw ang nasa gitna? Sino ang pipiliin mo, ang girlfriend mo o ang bestfriend mo?
------------------------------------------------------
Author's Note:
Hello po! Salamat at napadaan kayo dito. Magsisimula pa lang ang Kwento kaya sana tambay muna kayo dito huh! Bago ang lahat, ngayon pa lang humihingi na ako ng pasensya at pagunawa kasi sira ang laptop ko kaya sa CP ko lang ako nagtatype ngayon. Kaya kung may mga maling spelling, hayaan na lang at wag nang pansinin para magaan ang buhay. Haha
Pangalawa po, pagpasensiyahan niyo na po ang mga gagamitin kong mga salita at yung paraan ng pag-uusap ng ilang mga characters sa kwento na 'toh, kailangan lang po talaga para maipakita ko ng mas maayos ang kaniya kaniya nilang mga ugali at personalidad.
At ang huli po, mabagal po akong tao. Kaya kung may mga pagkakataon na matagal akong mag update, sorry po! Pipilitin ko na araw araw mag update para happy lang.
Salamat po ulit! Comment lang po kayo lagi! Usap tayo. 😊 God bless us all!
TOTGA (Candy Stories #4) (Published under Bliss Books)
54 parts Complete
54 parts
Complete
Engineering students Pfifer and Ivan know that what they have is something special. Without a proper label between them plus an ugly twist of fate, can they manage to be together in the end--or will they remain as each other's TOTGA and nothing more?
***
May feelings na laging nandiyan, nakaabang kung kailan magpapapansin. Nakaabang kung kailan ako titisurin sa mga pamilyar na kanta, lugar, at salita. Magpapaalala sa isang mukha na hindi ko naman gano'n kakabisado pero pamilyar. Magpapaalala sa mga dating pakiramdam.
Malalaman mo raw kung sino ang The One That Got Away mo kapag narinig mo 'yong salita at nakaalala ka ng iisang tao lang; nakatisod ka ng mga dating pakiramdam; nangulila ka sa mga nakaraang saya; nakaalala ka ng mga pamilyar na sakit.
Sabi, time heals wounds at distance makes one forget. Bakit parang hindi naman effective? Bitbit ko pa rin lahat ng what if. Hindi pa rin ako makatakas sa maraming sana.
Ako ba ang bumitiw o siya? Tapos na ba kami talaga?
Ang sarap magtanong kaso...wala nga palang kami noon.
Disclaimer: This story is written in Taglish.