Highest rank achieved #5 in Action // Seki Schoen Fustante, 18 years old, anak ng isang mayamang taong namumuno sa isang organisasiyon sa ilalim ng underground world. Gwapo, matipuno, matalino at higit sa lahat ay panganay at tagapagmana ng mga Fustante, maging ng isang malaki at malawak na organisasyon ng mga Mafia. Kasama ang kaniyang mga kaibigan na anak ng mga naglalakihang Mafia Boss ay bumuo siya ng sariling grupo, tinawag niya itong Mafia Teens. Isang sikat na grupo ng mga teenagers na gumagawa ng mga kakaibang bagay sa underground world at nakikipagsabayan sa malalaking personalidad. Sa murang edad ay pinasok niya at ng kaniyang mga kaibigan ang underground fights at kung ano-ano pang kalokohan sa ilalim ng sarili nilang mundo.
Ganoon pa man, sapat na kaya ang kanilang kaalaman at kakayahan upang makipagbuno sa isang halang at masamang tao na si Ziegler? Isang Big Boss ng Mafia world na kanilang aksidenteng nabangga dahil sa isang kalokohan.
Ano na lamang kaya ang naghihintay na buhay ni Seki at ng kaniyang grupong Mafia Teens, mula sa kamay ng isang Big Boss?
Subaybayan ang maaksyon na paglalakbay ni Seki, paglutas ng kakaibang misteryo at pagsiwalat sa tunay na kaanyuan ng halimaw na big boss ng Mafia World, kasama ang Mafia Teens.
Let's find out.
Ang asawa na kinamumuhian at pinahihirapan ni Grey sa kasalukuyan ay may sikreto pala. Sikreto na maging daan kaya upang maputol ang galit niya rito o mas lalong maging dahilan para kamuhian niya ito?