Torpe Academy
Torpe----ayon sa aking dictionary, ito ay salitang naglalarawan sa kaartehan, kainosentehan, katamaran, kahihiyan, kaantipatikohan, katangahan, kapilyohan at lahat nang may -an ng mga kalalakihan. Mostly, ang salitang torpe kasi eh kakambal na ng mga boys yan (ang magreact bakla!tseh) alangan naman sabihin na "ang torpe naman ng babaeng to" . Oh diba, di bagay sa aming mga babae yan. Di ako biased, I am just telling the truth and nothing but the truth. Mwahahahahaha.
Well, naisip ko lang naman gawin toh habang naglalaro ng on-screen keyboard ng laptop na nasnatch ko. Hahaha. Siyempre joke lang, sa ganda kong toh snatcher? Aba masaya ka!
Sundan natin ang iba't ibang uri ng kwento ng katorpehan ng mga lalaking gwapo nga, mayaman, may abs, mabait, antipatiko, mayabang, mahiyain, suplado, matalino, gentleman, arogante, bastos, basagulero, may bisyo, pilyo, sira ulo, may saltik, mama's boy, independent, nerd, gangster... end of my thinking capacity dito sa
TORPE ACADEMY...
Secretly (Candy Stories #2) (Published by Anvil Bliss)
37 parts Complete
37 parts
Complete
Lulubog, lilitaw--ganyan ang feelings ni Diane Christine para kay Jesuah. Pero paano kung sa isang iglap ay malaman niyang mahal din siya nito? Aamin na ba siya o patuloy pa rin niyang ililihim ang tunay na nadarama?
***
"If there are no telltale signs of feelings, is it really there?"
May feelings pero hindi sigurado. May kaba pero lumilipas. May kilig pero hindi lagi. May gusto pero may disgusto. May first love ba na madaling itago? I know what things I like and why I like them. Siya lang ang hindi talaga 'ko sigurado... kung bakit parang gusto ko.
***
I've had relationships. Good ones. Bad ones. Natapos nang hindi ko alam kung ano ang kulang o ano ang mali. Sabi nila, minsan sa katitingin sa malayo kaya hindi nakikita agad na nasa malapit lang ang hinahanap natin. I don't know if that's really the case with Jesuah Hernandez. Sobrang lapit niya. Sobra-sobra.
Siya ang first crush ko. Hindi sigurado kung siya ang first love. 'Yong feelings ko sa kanya, lumilitaw at nawawala. Parang hindi rin gano'n kalalim. Pero may kaba kapag nagkakalapit kami. Nagagalit ako kapag nagkaka-girlfriend siya.
Hindi sigurado kaya lahat ng iniisip, nararamdaman, at selos ko, ako lang ang nakaaalam. Lahat, patago. Lahat, pasikreto. It's not love if there are no sure signs, right? Or is it?
STATUS: Published under Bliss Books