Isa siya sa mga sikat at tanyag na heartthrob na hinahangaan sa bansa noon at hanggang ngayon. Gwapo, misteryoso, lahat ng babae nahuhumaling sayo. Miski ako, nabihag mo. Pero sino nga ba ako? Ako lang naman ay isa sa milyong milyong taga hanga ng grupo niyo. Kaya eto, nangangarap din ako gaya nila na makita ka at masabi sayo at tunay mong halaga sa gaya kong isang fan lang. Pero napaka imposible dahil sikat ka, at ako? Sino nga ba ako? Isa lang akong normal na tao na minsan ay nakita ang lalim ng pagkatao mo. Sa loob ng 3 taon, sinubaybayan ko at inabangan lahat ng mga bagay tungkol sayo. Concerts niyo, recordings, TV guestings, pati na nga meet and greet niyo. Pero sa lahat ng nabanggit ko, ni-isa, wala akong napuntahan dun. Napakalayo kasi. Manila ka, Laguna ako. Masyadong malayo. At kahit makapunta ba ako eh mapapansin mo ba ako? Diba hindi? Kaya eto, okay na sakin ang videos mo online. Hanggang sa nakapunta ako ng Manila, dahil doon ako nagwork. At sa di inaasahang pagkakataon ay mabibigyang pansin ang aking hiling. Hiling na ni minsan eh di sumagi sa isip ko na mapagbibigyan. Pede kaya na ang gaya mo at ang gaya ko ay magkausap man lang. Posible ka na ang gaya ko probinsyana ay maging parte ng buhay ng isang kagaya mo. Sana pede... Sana kaya... Ang nais ko lang ay maabot ang bituin na ni minsan ay hindi rin magiging akin. Dahil mayaman ka. Dahil sikat ka. Madaming nagnanais na mapasakanila ka. Madaming mas angat pa sa gaya ko. Mahirap kasi... Kasi ikaw si Joao Constancia.