Sabi nila masarap mainlove , masarap sa pakiramdam na nararamdaman mong mahal ka ng taong mahal mo . Sabi nila pag nagmahal ka dapat handa ka sa lahat ng sakit kasi ang salitang pagmamahal ay kakambal ang lahat ng sakit . Kung gaano mo kamahal yung isang tao ganun karin sobrang masasaktan ng dahil sa kanya . Yung simpleng pag kakamali lang napapansin mo sa kanya at napaka big deal nun para sayo . At minsan kahit simpleng bagay lang nagiging dahilan na ng malaking away . Sa Love ? Halos lahat na ng sakripisyo nagawa mo para sakanya , halos binigay mo na ang lahat para manatili lang sya sa dating sya . but still he will never change his attitude for me . nanatili sya sa ugali nyang ganon . Nakakatuwa isipin na sa lahat ng ginawa mo sa kanya hindi nya kayang masuklian . Masakit man tanggapin na parang wala na nag iistay pa rin kasi mahal ko pa . At umaasa pa ako na may chance pa na kaya pa isalba . Kahit na nakikita ko na sakanyang sumusuko na siya . Sabi nga nila "PEOPLE CHANGE WHEN THEY ARE HURT" . Hindi ba pwedeng choice mo rin kung magbabago ka o hindi ? Kung iisipin mong mahal na mahal mo sya dimo gagawing magbago dahil once na magbago ka hindi lang ikaw yung mahihirapan maari pang masira ang relasyon na iniingatan niyo pareho . - It's not easy to Hold on pag sobrang sakit na , yung tipong dimo na kinakaya pero dahil mahal mo siya titiisin mo lahat wag lang sya mawala pero paano kung umaabuso na sya ? Ho Hold On kapa ba o mag Le Let Go kana ? -Clareyne Mirae Plasco - Hold On or Let Go Written by :@rhealengggAll Rights Reserved