Layas, mga taong naghahanap ng nobela... ng isang likha na pwedeng pintasan o i-criticize... ng kahit anong genre sa wattpad na bukod sa random at short stories... At lalong layas, mga taong gusto lang mag-usyuso sa buhay ng iba pero choosy pa sa uusyosohin... Binabalaan ko kayo... Isa lang itong diary ng kaabnormalan... Madi-disappoint ka kasi wala kang kakikiligan, katatakutan, kaaastigan o hahangaan sa mga mababasa dito... Sisisihin mo pa ako kasi nasayang ang oras mo sa pag-click ng kung ano pa mang menu button na nakita mo. Magbasa kasi mabuti ng description. Ay hindi pala, kahit title na lang o. O kaya naman i-judge mo na agad kung mukhang matino at yung tipong may kapupulutan ng aral kapag nakita mong ganun hitsura ng cover. Sinasabi ko sa iyo, kung ano lang nakita sa google ang nilagay ng author diyan. Kung hindi mo pa rin gets, aba'y lintek. DIARY LANG NAMAN KASI ITO NG WALANG MAGAWA SA BUHAY! ANO BA?