SPG (pero piling parte lamang) Ang magmahal nga ba ay mali? Ang mahalin ka nga ba ay mali? Ang makasama kita ay mali? Ang gustuhin kong makita ka ay pagkakamali? Ang magkakilala tayo ay isa nga bang pagkakamali? Tanong sa sarili ni minda. Nagumpisa ang lahat sa salitang "Hello". Nakakagulat para sa akin ang mensahe mo kasi hindi kita maalala. Naging kaklase pala kita noon at hindi ko lubos maisip kung bakit at ano ang dahilan at nagparamdam ka. Ang inisip ko noon baka trip mo lang kasi nga isa akong alagad ng ampalaya. Di ako naniniwa sa pangako at sa mattamis na salita. Nasanay ako na binabakuran ko ng malamig na yelo ang puso ko wag lang ako masaktang muli. Ngunit dumating sa punto na naging komportable na ako na nariyan ka pilit ko nilalayo ung sarili ko ngunit lagi tayong pinagtatagpo. Nagagalit ako sa sarili ko kasi alam ko sa sarili ko na nahuhulog na ako. Dumating sa punto na napapansin mo na siguro na nahuhulog na ako. Doon nagumpisa ang lahat. Hindi ko na alam ang gagawin ko.