Siya si Aerin Camila, isang baguhang reporter na sa sobrang ambisyosa, gagawin ang lahat para lang makakuha ng scoop tungkol sa buhay ng Presidente ng Pilipinas at sa pamilya nito. At kahit pwedeng-pwede naman syang humingi ng tulong sa Ate Clarence nya, hindi nya ginawa dahil sa pride nyang mas mataas pa sa Mount Everest. Nang malaman nya na nangangailangan ng bagong Yaya ang bunsong anak ng Presidente, gumawa siya ng paraan para matanggap sa posisyon na 'yon at mapalapit kay Mr. President at sa pamilya nito. Okay na sana lahat pero nagbago ang plano nya nang makilala si Olivia Skylar Ilustre, ang panganay na anak ng Presidente. Sa hindi inaasahang pagkakataon, mahuhulog ang loob nya sa masungit, snob, maldita, pero ubod ng ganda at talented na nilalang. Hay, bakit nga ba naging ganito ka-complicated yung buhay nya at buhay pag-ibig nya.