NBSB o No Boyfriend Since Birth ako. 16 years old na akong single pa rin ang status sa buhay. Oo bata pa ako. Maraming nagsasabi na wag magmadali, may darating rin na para sayo. Maghintay ka lang. Pero sa sarili ko, gusto ko ng may magpaparamdam kung gaano niya ako kamahal. Yung feeling na may nagmamahal rin pala sa akin.