Para sa mga estudyanteng katulad ko, ang salitang "SemBreak" ay isang himala. Masasabi ko ng himala yun kung makakakuha ka pa ng pagkakataon na makapag bakasyon o makapag lamierda. Because before SemBreak comes, you'll receive nothing but tons of projects, take home exams and many more activities from your teachers. Hindi ko naman nilalahat, pero ganun sa amin.
Sabi nga ng iba kong mga kaklase, "Sana di na lang tayo nag sembreak, kung ganito din naman karami ang ipapagawa sa atin."
Kahit ako, ganun rin ang angal.
Ang hirap talagang maging estudyante.
Pero sa bagay, matatapos din lahat ng ito. Makaka pag tapos din ako. And who knows? Baka nga ma-miss ko pa ang school pag naka graduate na ako.
At ayun na nga, laking gulat ko ng nag semestral break na, ay may nakilala akong taong nakatulong sa akin sa una, at nagkaroon na nga ng malaking parte sa buhay ko.