Simula pagkabata, alam ko ng hindi patas ang mundo. Sa tulad ko'ng hindi kaputian at kagandahan, utak lang ang laging panlaban ko. Pero hindi yun sapat. Napatunayan ko na ang basehan sa mundong ito ay ang panlabas na anyo. Mas pinapaboran ang magaganda, mas gusto ng karamihan, at madalas sila lagi ang espesyal.
Baluga, panget, mataba. Lahat na yata ng pangungutya, narinig ko na. Kahit pa sa school, ganun din ang labanan. Sawang sawa na ako. Hindi ko maintindihan bakit ang babaw ng karamihan para gawing basehan ang kagandahan para lang tratuhin ka ng tama.
Kaya naman gumawa ako ng aking listahan. Listahan ng mga taong nang agrabyado sa akin. Listahan ng mga taong aking gagantihan.
"I will rule all of you." Raiven said to the last section.
Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki.
Mas lalong mahirap kung makasama ka sa isang batch na puro lalaki.
Pero paano kung ang isang babaeng katulad mo... mapasok sa isang unibersidad na para sa lalaki?
Will she can still able to reign her throne if the last section keeps violating her rule?
Status: COMPLETED
Start: Sept. 3, 2020
End: March 11,2021