Dumating ang araw na isinilang ka labis na tuwa aming nadama Ang bawat ngisi at titig mo puso ko'y lumulukso sa saya Natutung mangarap hindi para sa pansarili lamang Puya't pagod di ininda, pag pikit ng mata'y kapakanan mo inaalala Nasaksihan Unang Hakbang,Unang Letrang nabigkas mo Nagalusan sa hindi ko pagalalay,Takot aking nadama Sapagkat ang markang ito, ang marka ng kapabayaan ko Hinayaan Bumangon muli at magsimulang muli Ika'y pinag-aral ng isipa'y mabigyan linaw sa mundong ginagalawan Lumipas ang mahabang panahon ika'y nakihalubiro sa iba Iyong Pag ibig sa akin nalimut na ba? Ninais kong pigilan ka wala naman akong nagawa Nilisan mo ang tahanan ng walang paalam. Bisyo ba ang nais mong mundong galawan? Dinurog ang aking damdamin sa nagawa mo. ANAK Mahal kita Di ka nawawaglit sa aking isipan Anak nasaan ka na? Anak kumain ka na ba? Anak sana lagi kang nasa maayus na kalagayan Anak Bumalik ka na.. Bumalik ka na. Umuwi ka sa ating tahanan; labis ang sayang nadarama Naghihikahos at kumakaripas ng takbo Ika'y sinungaban ng punyal ng isa sa iyong nakaaway Pinananggalan ko ang aking sarili para makasiguro sa iyong kaligtasan ANAK MAHAL NA MAHAL KITAAll Rights Reserved