Poem. Tula. Balak. Ito ay mga katha ko patungkol naman sa isang tula. Sa pamamagitan din nito ay nababahagi ko ang aking pagka-makata. Dito ay nakakagawa ako ng mga tula patungkol sa aking mga idolo na artista, musikero, maging sino man o mga ano. Meron din para sa mga pamilya at sa mga kaibigan ko. Meron ding mga kalokohan ang naiisip. Mga bagay na nagagawan rin ng tula. Sana ay hindi niyo isiping mababaw ako Pero yun po talaga ang totoo. Sana po ay inyong suportahan At basahin kung ano man Aking mga tulang ginawa para sa inyo Magiging masaya dahil binasa na bukal sa inyong puso.