Paano ba magmahal ang isang accountant? Binabalanse din ba natin ang puso at utak natin, gaya ng pagbabalanse natin sa Trial Balance? Kaya niyo bang pagtyagaan ang hirap na iyong dadanasin bago mo pa makuha ang sagot ng iyong puso at ng iyong isip. Tandaan! Ang buhay parang Financial Accounting. May mga tao na Assets natin sila, yung mapapakinabangan mo, laging nandyan para sayo. Mayroon din namang tao na Liabilities. Sila yung sa una lang masaya makasama. Pero in the end, sila ung uubos sayo, sisira sa pagkatao mo. At syempre ikaw ang Capital. Bakit kagaya ng Financial Accounting? Kasi hihimay-himayin natin ngayon. Kung sino ba tlaga ang assets sa buhay mo. Ano ang mga liabilities na kailangan mo na alisin kasi pabigat lang naman sila sa buhay mo. At ang pinaka importante.... Ikaw, ang sarili mong KAPITAL.