12:47PM.
Dumating ka na ba sa punto ng buhay mo kung saan akala mo sobrang ordinaryo lang ng araw na yun pero pagdating mo sa future, magiging makabuluhan pala siya ng sobra?
Dumating na naman siya sa akin, pero ngayon, mas masakit pala.
Gusto kong masaktan ka sa mga sasabihin ko. Dahil tungkol lahat ng ito sa'yo. Pero hindi ko magawa kasi alam ko masasaktan din ako sa huli dahil mahal kita. Na sa sandaling agwat ng bawat oras natin, lalo tayong nagkalayo at ni hindi na muling lumingon pa sa isa't isa. Pero natalo na naman ako, lumingon ako pabalik at nakitang masaya ka na wala ako. Ganoon lang pala ako kadaling makalimutan. Na kahit ano pang nagawa at mga sinabi ko sa'yo, nabalewala lang lahat.