Diba lahat tayo nag hahangad na maikasal sa lalaking mahal natin?. Pero ang kaso ng sa akin wala pa nga akong boyfriend, ultimo kiss wala pa rin. Ang saklap ng pag-ibig ko hangad ko lang naman na maikasal sa lalaking mahal ko. Bakit walang balak manligaw sa akin, hindi naman ako nag bubuga ng apoy. Tanggapin ko nalang kaya na hindi na talaga ako maikakasal hanggang abay nalang ako. Isang dakilang fashion designer na gumagawa ng mga wedding gown para sa mga ikakasal. I'm Cameron Mendez, I'm a single No boyfriend since birth. Pero isang araw nalang makikilala ko ang siraulong photographer kinaiinisan ko. At makiki pag deal ako sa kanya kapalit ang pagiging model ko at ihahanap niya ako ng boyfriend.... He's Dwight Lopez, he's a photographer.