"A love in a Philippine Revolution"
Si Felisa ay may dalawang mukha - isang dalagang rebolusyonarya sa gabi at binatang kutsero naman sa umaga. Nabuhay sa panahon kung kailan talamak ang pang-aabuso ng mga Espanyol sa tulad niyang Indiyo, naging matapang si Felisa. Handa niyang ibuwis ang buhay para sa ideyalismo, kalayaan ng bayan at hustisya sa pinatay na kapatid.
Si Alejandro ay anino ng katanyagan ng kanilang angkan. Isang binatang Kastila ngunit may pusong-Pilipino. Sunod-sunuran sa ama, baon lagi ang mabangong reputasyon ng pinagmulan ngunit isang mandarambong sa gabi, nagnanakaw para ipamudmod sa mahihirap; pumapatay para ipagtanggol ang naaapi.
Dalawang tao, magkaibang lahi, parehong may madilim na nakaraan at kasalukuyan, paghihilumin kaya ng pag-ibig ang galit na itinanim ng malupit na lipunan?
Lumaking hindi kilala ang tunay na mga magulang, maagang namulat si Leroncillo San Roque sa kalupitan ng mundo. Ngayong nabigyan siya ng pagkakataong maipaglaban ang pagkakapantay-pantay, handa ba siyang isakripasyo ang lahat maatim lang ang hinahangad na tagumpay?
***
Mulat sa bulok na sistema ng lipunan, tumatak sa isipan ni Leroncillo San Roque ang kawalan ng hustisya at hindi patas na trato sa mga mahihirap. Bagama't lumaki sa kalinga ng isang prayle, hindi pa rin naging madali ang daloy ng kaniyang buhay. Patuloy pa rin siyang sinusubok ng mga tao, ng pagkakataon, at ng tadhana. Ngayong naipit si Leron sa isang sitwasyon na maaaring magpahamak sa mga taong mahalaga sa kaniya, ano nga ba ang tamang hakbang upang makamit niya ang inaasam na kalayaan at hustisya? Magagawa ba niyang linlangin ang kalaban at mailigtas ang kaniyang amain at mga kaibigan? O mapupunta lamang ba sa wala ang lahat ng kaniyang pinaghirapan?
Cover Design by Louise De Ramos