Naniniwala pa rin si Pia na one day, magkakatotoo yung hula sa kanya ng matandang babae. Umaasa pa rin siyang babalikan siya nung unang lalaking minahal niya ngunit iniwan niya sa ere. Yes, siya ang nang-iwan pero ang lakas ng ilusyon niyang si Mateo pa ang babalik sa kanya. Paano nga ba ihahandle ni Pia ang feelings niya, gayong alam naman niyang may Luiza na si Mateo? Paano niya ba paniniwalain ang sarili niyang wala ng pag-asa kung binigyan siya ng isang pahopiang hula? Hula na unti-onting nangyari sa simula ngunit hindi nagtagal parang nawala, ay hindi parang nawala... tuluyang nawala. Magiging tanga ba siya dahil aasa siya sa hula hanggang sa pagtanda? Gagawa ba siya ng paraan para mangyari yung hula? O hahayaan na niya yung hula na maging luha na lamang at mag move on na?